Happy 1st anniversary Jaevon Gems! I'm proud that I'm one of them.!!
Follow me on twitter: melpobz / http://twitter.com/#!/melpobz
Tumblr: http://melpobz.tumblr.com/
_______________________________________________________
“Good morning class,” bati ng kanilang adviser. “Magsibalik na kayo sa inyong upuan at mayroon akong sasabihin.”
Sinunod naman ng mga estudyante ang kanilang guro. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan.
“This coming July ay magkakaroon tayo ng fund-raising para sa mga batang may sakit. Napag-isipan ng board na concert ang gagawin. Magkakaroon ng audition para sa mga gustong mag-perform. Pipili kami ng magaling kumanta at sumayaw. After 2 days ng concert ay papakainin natin ang mga bata,” paliwanag ng guro.
Itinaas ni Emman ang kanyang kamay at tinawag naman siya ng guro. “I want to cook po for them.”
“Nice idea Ms. Villavicencio. So, ikaw na ang magluluto, okay?”
Tumango naman si Emman. “Yes ma’am!”
“Kung sino man ang gustong mag-volunteer para sa 2nd activity ay ilista lang ang pangalan sa bulletin board na malapit sa canteen.” Biglang tumunog ang bell. “Mamaya na lang natin ipagpapatuloy ang ating pag-uusap. Mag –recess muna kayo.”
Inayos ni Emman ang kanyang gamit at inilagay niya ito sa kanyang bag.
“Ikaw ang magluluto ng kakainin ng mga bata?” nagulat si Emman sa lalaking biglang nagsalita. Hindi niya sinagot si Inno, tinignan niya lang ito. “Baka malason sila. Kawawa naman ang mga bata,” ngumiti pa ito ng nakakaloko.
“Ha-ha. Nakakatawa. Don’t worry, kung lalagyan ko man ng lason ang pagkain sisiguraduhin kong ikaw lang ang makakakain,” tinarayan niya ito.
“Emman, tara na,” tawag nila Devon at Auriette. Lumapit sila sa kinaroroonan ni Emman at niyaya na pumunta sa canteen.
“Excuse me, see you later Inno,” nginitian niya ito at tinaasan ng kilay.
Pumunta na ang DeMmanRiette Angels sa canteen. Nag-order sila ng sandwich at juice. Dumiretso sila sa kanilang tambayan na nasa likod ng gym.
“Devon, are you going to volunteer in the 2nd activity?” tanong ni Emman.
“Kung sasali kayong dalawa, sasali na din ako,” sagot ni Deovn na nakaupo sa lamesa.
“Ikaw, Auriette? Sasali ka?” tanong ni Emman kay Auriette. Pareho silang nakaupo sa upuan.
“Ako? Hindi ko alam eh. Baka busy ako sa araw na ‘yun,” pagpapaliwanag ni Auriette.
“Sumama ka na. Please?” pagpipilit ni Emman.
“Hindi nga ako sigurado.”
“Ayaw mo talaga?” sinenyasan ni Emman si Devon na na-gets naman ito ni Devon. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa lamesa. Pumunta silang dalawa sa likod ni Auriette. Kiniliti nila si Auriette para pumayag itong sumama sa kanilang activity.
“Hahaha....tama na. Ayoko na. Sasama na ko,” bawat salita ni Auriette ay tumatawa siya.
Tumigil naman sila Emman at Devon. “Promise?”
“Promise!” tinaas pa ni Auriette ang kanyang kanang kamay.
“Tara na. Ilista na natin ‘yung pangalan natin,” yaya ni Devon. Nagpunta silang tatlo sa bulletin board. “Emman, ikaw na ang magsulat ng pangalan ko.”
“’Yung akin din,” ani Auriette.
“Okidoks!” sinulat naman ni Emman ang pangalan nilang tatlo. “Oh, signatures niyong dalawa,” inabot ni Emman ang ballpen at lumapit sina Auriette at Devon sa bulletin board at pumirma.
Tumunog naman ang bell hudyat na tapos na ang kanilang recess. Bumalik na silang tatlo sa kanilang class room at sinumulan uli nila ang pag-uusap tungkol sa kanilang gagawing activity.
“Class, pag-uusapan muna natin ang tungkol sa 2nd activity. Wala pa namang audition para sa concert,” panimula ng kanilang guro. “Any suggestions?”
“Ma’am,” nagtaas ng kamay si Auriette.
“Yes?”
“Bakit hindi po tayo magkaroon ng party games?” suggest ni Auriette.
Sumang-ayon naman ang kanilang guro. “Tama ka. Pwede rin tayong mag-hire ng clowns,” dagdag ng kanilang guro. “Sinong pwedeng mag-asikaso ng party?”
“I can do that ma’am,” pagboboluntaryo ni Auriette.
“I want to help din po,” ani Emman.
Napatingin si James kay Devon dahil napansin niya na siya lang ang hindi nag-boluntaryo.
“Why are you looking at me?” mahinang tanong ni Devon kay James.
“Aren’t you going to help your friends?” tanong ni James.
“Fine,” mahinang sambit niya. “Ma’am I will help too.”
Narinig ni James ang pagsabi ni Devon ng ‘fine’ at iyon ang dahilan ng pag-ngiti niya. Alam kasi niya na napilitan lang ang dalaga.
“May tatlo na tayong nag-volunteer. Kailangan ko pa ng tatlo. Wala na bang may gusto?” tanong ni Mrs. Dimaculangan. “Kung ganon, pipili na lang ako sa inyo.” Inilibot niya ang kanyang paningin. “Kayo na lang tatlong lalaki. Sina Piero, Inno at James,” sambit ng kanilang guro. “Kayong anim ang mag-aasikaso ng party para sa mga bata. Do your best at magtulungan sana kayo.”
..hala! it's getting more exciting..sana may next chap na.. :)
ReplyDeletewahahaha...magkakasama sila...baka madevelop ha? nyahaha...next na sana(=
ReplyDeleteayyyyy.. waley na ba kasunod itey??
ReplyDeletengyon ko lang nabasa.. sana meron pa..