Friday, February 25, 2011

Chapter 3

“Good Morning Angel,” bungad ng ama ni Emman sa kanilang tatlo. “Wake up girls, the breakfast is ready.”

Sabay na sabay ang kanilang pagbangon at tinanggal ang takip sa mata. Dumiretso agad si Devon sa banyo. Nag-ayos muna ng buhok si Emman at si Auriette naman ay hinihintay na matapos si Devon. Pagkatapos nilang maligo ay isinuot na nila ang kanilang uniporme at nag-ayos ng sarili. Si Emman ay nagpulbos at nag-lip gloss. Si Auriette naman ay nagtali ng buhok at nagpulbos, sinuot niya ang kanyang itim na salamin. Si Devon ay nagtali lamang ng buhok. Kinuha na nila ang kanilang bag. Shoulder bag para kay Emman at Auriette , body bag naman para kay Devon. Bumaba sila para kumain ng breakfast.

“Good Morning po!” bati ng tatlo sa mag-asawa.

“Kumain na kayo at baka ma-late na naman kayo. Si Mang Bert na ang maghahatid sa inyo.” sabi ng ina ni Emman.

Kumain na sila at pagkatapos ay nagpaalam na sila para pumasok. “ Alis na po kami,” paalam ng tatlo.

“Mag-iingat kayo ha,” paalala ng mag-asawa.

Sumakay sila ng kotse at nakita nila si Mang Bert. “Good Morning Tatay Bert!” masiglang bati ng tatlo. Dumiretso na sila sa paaralan at nagpaalam kay Mang Bert.

“Wow! Himala at ang aga natin ngayon. Ilalagay ko yan sa Diary ko!” sambit ni Devon.

“Siguro naman hindi ka na matatakot na ma-late tayo ngayon, Auriette,” pang-aasar ni Emman.

“Ewan ko sa inyo! Tara na nga, pumunta na tayo sa room ng makita mo na si Inno,” ganting asar ni Auriette kay Emman.

Pumunta na sila sa kanilang room at sa kanilang upuan. Pinatawag ang kanilang guro kaya may pagkakataon silang magdaldalan. Ilang minuto rin daw itong mawawala.

“Hi. I’m Inno John Baustista,” inilahad nito ang kamay.
Tinigil muna ni Emman ang pagdro-drawing at tinanggap ang kamay ng binata, “Hi, I’m Emman.” Binalik nito atensyon sa pagdro-drawing. Ayaw kasi nitong naiistorbo sa pagdro-drawing.

“Piero Dave Lopez,” pagpapakilala ni Piero kay Auriette.
“Auriette,” nginitian niya lang ito at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“Hi, I’m James Matthew Reyes,” inilahad niya ang kamay at ginising ang babaeng natutulog.
Tumayo ito at tinignan ang katabing lalaki. “Are you saying something?” tinanggal nito ang earphone sa tenga.
“What?! She didn’t hear me?! WTF!” sa isip-isip nito. “I said, my name is James Matthew Reyes,” pag-uulit nito.
“Devon,” hindi man lang nito tinanggap ang kamay ni James at binalik ang earphone sa tenga at natulog muli.
Dumating na ang kanilang guro kaya ang iba ay nagsibalikan na sa kanilang upuan. Pagkatapos ng kanilang aralin ay lumabas na sila para mag-recess. Nagpunta sila sa likod ng gym kung saan yun ang naging tambayan nila.

“Sis, punta muna ko sa library. Maghahanap lang ako ng libro,” nagpaalam siya sa dalawa.

“Hmm. Sige punta ka na lang dito pagkatapos mong magbasa,” pagpayag ni Emman.

Umalis na si Auriette at naiwan na ang dalawa.

“Emman, kakain ka ba?” tanong ni Devon.

“Ha? Bakit?”

“Eh, kasi kung kakain ka bumili ka na. Matutulog ako,” humikab pa ito.

“Hay, sige na nga. Dyan ka lang at bibili lang  ako ng sandwich,” sambit ni Emman.

Sa library ay mag-isang nagbabasa si Auriette. May lumapit sa kanyang lalaki. “Can I sit beside you?”

Nagulat siya nang bigla siyang kausapin nito. “Ha? Sure.”

“So, do you like reading books?” tanong ni Piero.

“Obviously, yes. This is my hobby. Kapag wala kong ginagawa,” tugon niya dito.

“Bakit hindi mo kasama yung mga kaibigan mo?”

“Nagpaalam lang ako sandali para magbasa. Eh, ikaw? Bat wala kang kasama?”

“Ah. Si Inno nagpuntang canteen tapos si James naman nasa gym. Pumunta lang ako dito para.......magbasa,” sagot ni Piero.

Nasa canteen si Emman at bumibili siya ng juce at sandwich. “Ahhh!!!” napasigaw na lang siya ng maramdaman niyang may tumapon sa kanyang damit.

“Oopps, I’m sorry,” paulit-ulit na sabi ni Inno.

“Sorry? Are you crazy? Ikaw kaya ang tapunan ko ng juice sa damit?” galit na sabi ni Emman sa kaharap. Hindi na niya pinansin kahit si Inno pa ito. Basta ang alam niya ay galit siya dito. Ayaw pa naman niya sa lahat ay yung nadudumihan ang kanyang damit.

“I said I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya eh. Ikaw ‘tong paharang-harang sa daan,” sarkastikong sabi nito.

“Argghh!!! Ewan ko sayo!” inisnaban niya ito at umalis na para ayusin ang kanyang damit.

Mahimbing na natutulog si Devon sa likod ng gym. Hinihintay niya ang pagdating ng kaibigan niya. As usual, may earphone na naman ito sa tenga. “Aray!” sigaw nito ng matamaan ng bola.

“I’m sorry, bakit kasi dyan ka natutulog?” sarkastikong sabi ni James.

“Ako pa ang may kasalanan? Ang kapal mo naman! Payatot!” galit na sabi ni Devon.

Umalis na si Devon para maipagpatuloy ang pagtulog niya pero kahit saan siya matulog ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya makalimutan ang galit niya sa lalaki. “Ok na sana kung nag-sorry na lang siya eh! Siya pa ang galit!” isip-isip nito. Hinanap na lang niya sina Emman at Auriette.
Saktong nakita niya si Emman na hindi maipinta ang mukha.

                “Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong agad ni Devon.

                “Hay naku! Mamaya ko na ikwekwento sayo kapag nandyan na si Auriette,” sabi ni Emman.

                Pinuntahan na nila si Auriette sa library at agad tinawag nila ito. “Auriette! Uuwi na tayo, tara na!” pagyayaya ni Devon kay Auriette.

                “Bakit naman? May problema ba?” nagtatakang tanong nito.

                “Basta umuwi na tayo para malaman mo kung anu ang dapat mong malaman!” sambit ni Emman.

                Umuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Pagka-uwi nila ay nag-online sila agad at nag-chat.

*Convo*

Auriette:  anu bng problema ha?

Emman: knina kc nsa canteen ako tpos ngulat n lng ako nung may bgla n lng 2mapon sa dmit ko!
Ung nkatpon skin siya p ang glit!

Devon: cnu bng nkatpon?

Emman: u won’t bliv it!

Auriette: eh, cnu nga e?

Emman: inno!

Devon: ung crush mo?!

Emman: FYI ndi ko sia crush! At nver ko siang mgging crush!

Auriette: tlga lng ha! Eh ikaw nman Devon? Anung problema mo?

Devon: kla2 nio nman cguro kung cnu ung pyatot n kaklase ntin db?

Auriette: o? Anung meron s knya?

Devon: kc nsa likod ako ng gym, n22log ako. Bgla n lng may lumipad n bola sa pagmu2kha
ko. At  ung pyatot n un ang may ksalanan!!

Auriette: a gnun b? Anung gus2 niong mngyari??

Emman: cla n ang mortal enemy ntin!

Devon: ok. Ahm. Anung gus2 niong gwin bukas? Weekend nman bukas e.

Auriette: bike tyo bukas? Agree?

Emman: sure! Pang-parelax.

Devon: o cge n. 2log n. Maaga p tyo bukas :))

Emman: Gud nyt guyz!

Auriette tom.morning ha.!

Devon cge. Gudnyt!

Auriette: gud nyt din!

*End of the Convo*

Tuesday, February 15, 2011

Chapter 2

                Bago umuwi ay nagyaya muna si Emman sa Starbucks. “Ayoko pang umuwi. Starbucks muna tayo.”
               
                “Anung gagawin natin sa Starbucks?” tanong ni Auriette.

                Binatukan ni Devon si Auriette. “Wala lang, makiki-CR lang tayo. Matalino ka ba talaga?”

                “Hay naku, tara na! Wag na kayong maarte,” hinila niya sina Devon at Auriette.

                Sumakay silang tatlo sa kotse. “Tatay Bert, sa Starbucks po tayo.” Habang nasa biyahe may kanya-kanya silang ginagawa. Si Emman ay nagdro-drawing. Si Auriette ay nagbabasa ng pocket book. At si Devon ay nagtutulog na may earphone sa tenga. “Mga hija, nandito na tayo,”ani Mang Bert.

                “Wait lang yung laptop ko!” sigaw ni Emman sa dalawa.
               
                “Bilisan mo, kunin mo na,” ani Auriette.

                Pagkakuha ni Emman ng laptop ay agad silang pumasok ng Starbucks. Inokupa nila ang lamesa sa bandang sulok, na konti lang ang tao. Binili na nila ang gusto nilang inumin at umupo na sila sa kanilang pwesto.

                “Binuksan ni Emman ang kanyang laptop at binuksan niya ang kanyang Facebook account. “Ang gwapo talaga niya!”

                “Sino ba yun?” lumapit ang dalawa para tignan kung sino ang tinutukoy ni Emman.

                “Asus, akala ko kung sino na,” ani Devon

                “Infairness, gwapo nga,” pagsang-ayon ni Auriette kay Emman. “Siya ba yung transferee?”

                “Actually, tatlo silang transferee at ang gwa-gwapo nila,” tuwang-tuwa na sambit ni Emman.

                “Kaya nga kilig na kilig yung mga babae nung nagpakilala sila,” dagdag ni Devon. “At isa ka na dun.”

                “Grabe ka naman, slight lang. Inadd niya nga ako e” habang tinitignan ang photos ni Inno.

                “Gwapo yung Piero,” nanlaki ang mga mata nila Devon at Emman dahil sa narinig mula kay Auriette.
               
“Ayiee!” habang kinikiliti nila si Auriette. “Crush mo?” tanong ni Emman.

“Hindi ah! Gwapo lang. Pero hindi ko type,” pagtanggi ni Auriette. “Eh ikaw Devon? Sino ba yun? James ba ang name niya?”

“Asus, ayun? Eh parang palito ang katawan nun. Baka paghinipan ko yun baka matumba agad yun,” depensa ni Devon.

“Pero aminin....gwapo silang tatlo,” ani Emman.

“Tara na , umuwi na tayo. Maggagabi na,” yaya ni Auriette.

Tinignan nila ang oras at maggagabi na nga. “Sa bahay na kayo matulog”

“O sige, magpaalam na lang tayo sa magulang natin Auriette,” ani Devon. Tumawag na sila Auriette at Devon para magpaalam na kanila Emman muna sila matutulog. Ilang oras din silang nagkwentuhan at  hindi nila namalayan ang oras.

Pagkasakay nila ng kotse ay nakatulog agad sila dahil sa pagod. Si Auriette ay nasa balikat ni Emman, na nasa balikat ni Devon. Si Devon naman ay nakaunan sa window. May dala laging unan si Devon dahil hindi niya maiwasang matulog. Natutuwa si Mang Bert sa itsura ng pwesto nila. Bata pa lang ay malapit na sila kay Mang Bert. Kahit ngayon na dalaga na sila.

“Mga hija, gising na nandito na tayo,” ginigising ni Mang Bert ang tatlo. Kahit inaantok ay tumayo na sila at nagpasalamat. “Thanks, tatay Bert.”

Pagpasok nila ay nakita nila ang magulang ni Emman. “Good Evening tito and tita,” bati ni Devon at Auriette. “Good Eve mom and dad,” at nagbeso na silang tatlo.

“Dito ba kayo matutulog?” tanong ni Mr. Villavicencio.

“Opo, gabi na po kasi e,” sagot ni Auriette.

“Nakapagpaalam na ba kayo?” tanong ni Mrs. Villavicencio.

“Opo,” magalang na sagot ni Devon.

“O sige, matulog na kayo,” ani Mrs. Villavicencio.


Umakyat na sila at nagpalit ng pantulog. May damit na sina Devon at Auriette sa kwarto ni Emman. Para daw kung sakaling matutulog sila ay hindi na nila kailangang magdala. Gayun din naman sa bahay nila Auriette at Devon. Malaki ang kama ni Emman kaya kasya silang tatlo. Sa gilid ng kama ay nandun ang picture nilang tatlo. Puro pink ang gamit sa loob ng kwarto ni Emman. Girly stuff at maraming design.

“Tulog na tayo, baka ma-late na naman tayo,” ani Auriette.

“Ang nega mo! Kanina, bago tayo pumasok, sabi ka ng sabi na male-late na tayo,” pang-aasar ni Emman at Devon.

“Naku, matulog na tayo! Good Night! Sweet Dreams!”sabi ni Auriette.

“Good Night din! Sweet Dreams!” tugon nila Devon at Emman.

Samantala, ayaw patulugin ni Inno sina James at Piero. Kanina pa sila nagcha-chat.

*Convo*
Piero: Pare, magpa2log k n!
James: Yeah, anung oras n. Bka ma-late tyo bukas.
Inno: Speaking of late. Nkita nio n b ung 3ng late knina?
Piero: DeMmanRiette Angels?
Inno: Yup! Ang gnda nila noh? Lalo n ung Emman.
James: So, u like her?
Inno: I think so, kaibganin ntin cla. Mlay nio magus2han nio cla Devon at Auriette.
Piero: James and I are not interested w/ girls.
Inno: Eh, friends n lng. Plz?
James: Fine
Piero: Pare, cge n. Gud nyt!
James: Gud nyt!
Inno: See yah!
*End of the Convo*




                

Monday, February 14, 2011

Chapter 1

                
“Ok class, I’m Mrs. Dimaculangan and I will be your adviser for the whole year,” panimula ng guro. “I’ll check your attendance first and later you will know your permanent seats,” isa-isa niyang tinawag ang mga estudyante at may napansin siyang tatlong babaeng estudyante ang wala pa. “Hay! Late na naman ang tatlong babae na yun!” sa isip isip niya. “We will now start our...”hindi na natuloy ang sinabi niya dahil may biglang nagsalita galing sa labas.

                “We’re sorry were late,” hingal nasabi ni Auriette. Si Auriette Angeline Concepcion ang pinakamatalino sa tatlo. May itim na salamin at nakapony tail ang buhok. Medyo nerdy at negative thinker. Laging may dalang libro about academic at pocket book about romance. Kasali siya sa mga Musical Play dahil sa angking galing sa pagkanta at pag-arte. Kasali siya sa mga quiz bee at spelling bee. Magaling sa Science, English, History at iba pa.

                “Ano ka ba sis! Ang OA mo! Di pa tayo late noh,” sabi ng babae na tinitignan ang sarili sa salamin. “Excuse me Ms. Villavicencio, super late na po kayo!” galit na sambit ni Mrs. Dimaculangan. Si Emmanulle Angela Villavicencio ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Magaling pumorma at mag-ayos sa sarili. Siya ang fashionista ng grupo. Happy go lucky sa buhay niya. Madaming manliligaw pero wala daw siyang magustuhan. Pinakamagaling kumanta sa kanila. Sumasali siya sa mga singing contest. Magaling siya sa Arts, pagluluto, pagbe-bake, at pagede-design ng kung anu- ano.

                “Chillax Mrs. Dimaculangan! Baka ma-hign blood kayo at maospital pa!” biro nito sa kanilang guro. Siya si Devon Angelica Evangelista ang pinakamatapang sa kanila. Lalaki kung kumilos kaya ang iba ay natatakot manligaw sa kanya. Emo ng barkada. Kung san-san mo makikitang natutulog. Ang gusto niya tahimik ang mundo niya. Laging nakatali ang buhok. Ang mga kaibigan niya lang ata ang nakakakita sa kanya ng nakalugay. Maingay lang siya pag dating sa mga kaibigan niya. Player ng volleyball, basketball, billiard, baseball, badminton, dutchball at lahat na ng sports. May angking galing sa pagsayaw at pagkanta pero ang mga kaibigan niya lang ang nakakaalam. Sumasali din siya sa mga Math Contest dahil magaling siya dito.

                “Umupo nga kayo!” galit na sabi ni Mrs. Dimaculangan sa tatlo. “Unang araw late kayo! Hindi na ba kayo magbabago? Elementary pa lang kayo ganyan na kayo. Ngayon 4th year High School na kayo di pa rin kayo nagbabago!”

                “Ma’am, di pa ba kayo nasanay?” pagpapahinahon ng tatlo sa kanilang guro.

                “Bahala na nga. Kayong tatlo! Maghihiwalay kayo! Ikaw Devon sa row 1 ka, sa likod. Tabihan mo siya Mr. Ramos. Ikaw naman Auriette dun ka sa row 2, sa tabi ni Mr. Lopez. Ikaw Emman, dun ka sa row 3, tabi mo si Mr. Bautista,” inayos na ni Mrs. Dimaculangan ang kanilang seating arrangement. Ang iba ay pinaupo na niya at pagkatapos ay isa-isa silang nagpakilala.

                “I’m Piero Dave Lopez, a transferee student” “I’m Inno John Bautista, new student” “I’m James Matthew Ramos, your new classmate,” hindi mapigilan ng mga babaeng estudyante ang kiligin dahil sa mga gwapong kaklase. Ang iba ay nagpakilala na. Ang ilan ay kilala na ang isa’t isa.

                “That’s all for the day. Pwede na kayong mag-reces, pagsapit ng 4:00 pwede na kayong umuwi,” pagpapaalam ng guro sa kanila.

                Agad lumabas ang mga estudyante pagkatapos lumabas ng kanilang guro. Karamihan ay nagtungo sa canteen para kumain at magkwentuhan. Kasama na dun sila James, Piero, Inno. Umupo sila sa gilid ng canteen. Tanaw nila dun ang grupo nila Emman. Napansin naman sila ni Ann at ng mga kaibigan nito.

                “Hi, I’m Ann,” inilahad niya ang kamay para makipagkamay. Kinuha naman nila ito. “By the way, they are my friends, Thara and Tippy,” pagpapakilala niya sa mga kaibigan.

“Nice meeting you,” ang tanging sagot ng tatlo sa kanila.

“If you don’t mind, pwede bang makiupo?” pagpapaalam ni Thara.

“Sure, have a seat,” pagyayaya ni Piero sa kanila.

“Hmm...napansin ko lang ha. Bakit kayo nakatingin sa DeMmanRiette Angels?” tanong ni Ann habang pinapaikot ang dulo ng kanyang  buhok sa kanyang daliri.

“DeMmanRiette?” interesadong tanong ni Inno.

“Yup,” mabilis na sagot ni Tippy. “They mashed up their first name, De for Devon, Mman for Emman, and Riette for Auriette. The Angels came from their second name.”

“They’re famous because of being rich and talented. Auriette has the mind, Devon has the skills, and Emman has the beauty. They almost perfect pero pasaway sila sa school. Lagi silang late, sometimes they break the rules. Since grade school they know each other na,” dagdag ni Thara.

“But I think we’re better than them, right girls?”pagmamalaki ni Ann.

“You’re right sis!” pagsang-ayon ni Thara at Tippy.

“We are going,” supladong yaya ni James sa dalawa.

“Bye girls!” pahabol nila Piero at Inno.

“Bye!” kinikilig na sabi ng tatlong babae sa tatlong lalaki habang kumakaway.

Sunday, February 13, 2011

A gift for DeMmanRiette

hmm.... I was inspired to write a story these past few days. I wish you will like it. I really like the friendship of these three girls. Even though shoutout (level up) is gone, we will continue supporting the DeMmanRiette Angels.
I planned not to write a prologue and the characters. I want it to be a surprise. I can't promise that it will be a good story. It's just my first time. It is a tagalog story. I will post the chapter 1 within this week, maybe tomorrow I will post it. Keep on supporting our Angels! Happy Valentine's to everyone!
Official Fanpage of DeMmanRiette♥

by the way, I'm the creator of the fanpage :))