Nagkita-kita ang tatlo sa parke. Unang unang dumating si Auriette sa kanilang pinag-usapan. Halos magkasabay namang dumating sina Devon at Emman. Dala-dala nila ang kanilang bike at nakasuot sila ng pang-sport. Yellow bike, sando at jogging pants kay Auriette. Pink tokong at sando naman ang kay Emman kasama niya ang bike niyang pink. T-shirt at jogging pants, bike na purple naman ang kay Devon.
“As usual, pinakaunang dumating si Auriette,” pang-aasar ni Devon at nakipag-apir kay Emman.
“Daig ng maagap ang masipag!” ani Auriette.
“Maagap? Eh, late ka kaya. Mas late lang kami kaya mas nauna ka sa’min,” pambubuska ni Emman.
“Nauna pa rin ako! Bleh!!” parang batang sabi ni Auriette.
“Hay, baka sa’n pa mapunta ‘tong usapan na ‘to. Tara na!” pag-aawat ni Devon sa dalawa.
Kung sa’n-sa’n nagpunta ang tatlo sakay ng kanilang bike. Hindi nila maiwasang mag-asaran habang nagba-bike.
“Auriette,” seryosong tawag ni Devon.
“Bakit?” tanong ni Auriette na may pagtataka dahil biglang nagbago ang tono ni Devon.
“Ahm......try mo ngang magbasa habang nagba-bike!” napahinto si Devon sa kakatawa dahil sa nakita niyang reaksyon ng dalawa.
“Akala ko kung ano na!” sambit ni Emman. “Ikaw nga baka maya-maya tulog ka na!” pagtatanggol niya kay Auriette.
“Sorry ka, ako ata ang pinakamagaling magbike sa’ting tatlo,”pagmamayabang nito.
“Mas relaxing ngayon kesa kahapon, wag ko lang talagang makikita yung tatlong lalaking yun. Lalong lalo na yung isa!” pag-iiba ni Emman ng usapan. Dire-diretso lang siya sa pagba-bike ng biglang natumba siya.
“Oops...Speaking of..” sambit ni Devon.
Inabot ng lalaking nakabangga ni Emman ang kamay nito. Kinuha naman ito ni Emman at nagpagpag ng damit. Binigyan niya ng atensyon ang lalaking nakabangga at nagulat siya ng malaman kung sino ito. “Ikaw?!”
Kapwa nagulat ang dalawa dahil nagkrus na naman ang landas nila. “Wohh! What a coincidence!”
“Anong ginagawa mo rito?!” galit na tanong ni Emman.
“Bakit?! Ikaw lang ba ang pedeng pumanta rito ha? Pagmamay-ari mo ba ito? Tsaka obviously, we’re skate boarding.”
“Tara na, nagsasayang ka lang ng laway dyan,” pag-aawat ni Auriette.
“Hi Auriette!” bati ni Piero.
“Oh, hi!” ganting bati ni Auriette. Huminto ito sandali para bigyang atensyon si Piero.
“Akala ko ba aalis na tayo? Eh bakit bigla kang huminto?” pang-aasar ni Devon.
Natauhan si Auriette dahil sa sinabi ni Devon. “Ah. Sige aalis na kami.”
Dumaan sila sa magkaibang direksyon para hindi na uli mag-krus ang landas nilang anim. Umalis ang tatlong lalaking sakay ang skate board at pumunta sa malapit na coffee shop.
“Kainis naman pare, maganda sana ang sungit lang talaga!” ani Inno.
Nginitian lang siya ng dalawa dahil sa sinabi nito. “Piero, are you and Auriette are friends?” tanong ni James.
“Let’s say. We don’t hate each other,” may halong pang-aasar na tono ni Piero. Pinatatamaan niya sina James at Inno.
“Ha! At least we’re not arguing unlike the boy over there,” tinuro ni James si Inno at sabay silang tumawa ni Piero.
“Dude, alam niyo namang hindi ako ganun e. Sobrang sungit lang talaga niya,” depensa ni Inno.
“Wait lang James, meron kang kaaway? Merong babaeng inayawan ka? Hindi tinablan ng karisma mo? Siguro kakaiba yung babaeng yun,” sunod-sunod na tanong ni Inno.
“Haha....me? Dude, maybe she’s not a girl. She acts more boyish than me. And she’s not my type,” depensa ni James.
Umupo ang tatlong babae sa malapit na bench at nagpahinga. Pawis na pawis sila dahil sa tirik na araw. “Hay, kapagod!” hingal na sabi ni Devon.
“Lagi ka kasing tulog kaya pagod na pagod ka,” pang-aasar ni Auriette.
“Smile naman dyan, nawawala ang beauty mo e,” sabi ni Devon ng mapansin ang hindi maipintang mukha ni Emman.
“Tama ka girl, hay, tara na nga shopping tayo,” yaya ni Emman.
“Shopping? Ganito suot natin,” natatawang tanong ni Auriette.
“Oo nga noh, haha....umuwi na nga lang tayo,” sambit ni Emman.
“Ang aga pa,” pagtanggi ni Devon.
“Woah! Tama ba ang narinig ko? Si Devon ayaw umuwi?” pang-aasar ni Emman.
“Bahala kayo, manglilibre pa sana ko,” pagpaparinig ni Devon.
“Kaw naman ‘di mabiro,” sabi ng dalawa at kinikiliti pa si Devon.
“Tara! Ano ba ang gusto niyo?” tanong ni Devon.
“Ahm..... Burger tayo?” sambit ni Auriette.
“Sige! Kumakalam na ang tiyan ko,” natatawang sabi ni Emman.
Nagpunta na sila sa Minute Burger at umorder silang ng 3 burger at ice coffee. Naupo sila malapit sa tindahan. Malapit ang tindahan sa coffee shop kung saan nandun ang tatlong lalaki. Nakita ni Piero ang mga babae. Tinitigan niya naman si Auriette.
“Ang cute niya pala. Hay...Sana hindi kami maging tulad ng dalawa naming kaibigan” isip isip ni Piero habang titig na titig kay Auriette.
“Hey! Who are you looking at?” panggugulat ni James kay Piero.
“Ahm. Nothing,” sambit ni Piero.
“Dude, let’s eat na,” yaya ni Inno.
Panay ang sulyap ni Piero sa labas at tinatanaw niya ang magandang babae. Napasulyap naman si Auriette sa kanya. Nang Makita ni Piero na tinignan siya ni Auriette ay agad niyang binawi ang tingin.
“Oh, bakit?” tanong ni Devon sa nakatulalang si Auriette.
“Ah. Feel ko kasi may tumitingin sa’kin e,” sagot ni Auriette.
“Na saan? Wala naman ah. Baka multo lang yun,” sambit ni Emman.
“Ewan. Basta may tingin ng tingin sa’kin,” pangkukumbinsi ni Auriette.
“Hay, ikain mo na lang yan,” pag-iiba ni Devon.
“Oo nga, kung anu-anong iniisip mo,” dagdag ni Emman.
Masaya silang kumain at kinalimutan muna nila ang problema. Hindi muna nila inisip ang galit sa tatlong lalaki. Kahit papano ay nawala ang galit na nasa puso nila. Tawa sila ng tawa at asaran ng asaran sa isa’t –isa.
James & devon di mag-kasundo ..love this FF :)
ReplyDeleteKUDOS admin ♥
Pierro and Auritte? i thought Pierro and Emman, mas cool kasi. sino yung tatlong girls Ann, Tippy and Thara. ipalit si tippy kay Bianca sana at si Thara kay linn feel ko mas bagay ehh kasi taray ng mga face non kahit super nice :)) pero next chapter sana walang corny like yung mga lines ni Inno hehe but nice job. keep it up :D <333
ReplyDelete